‘Fake news alert’; post ng Mocha Uson Blog, binatikos ng Lungsod ng Maynila

“FAKE NEWS ALERT”

Yan ang mababasa sa post ng Manila Public Information Office kung saan ay makikita ang screenshot ng Facebook post ng Mocha Uson Blog.

Sa nasabing post kasi ng blogger, ay sinabi nito na nagkaroon ng pagtitipon ng maraming tao sa labas ng isang shopping mall na matatagpuan sa Maynila.

Ipinakita ng Mocha Uson Blog ang litrato ng mga tao na may suot-suot na face masks, ngunit hindi sumusunod sa social distancing habang naghihintay na makapasok sa nasabing mall.

Mababasa rin sa caption, “Yorme. Sa Maynila ganito kami, sa 2022 buong Pilipinas din sana.”

Nilinaw ng lokal na pamahalaan na ang litrato ng nasabing mall ay hindi matatagpuan sa Maynila, kungdi sa Rizal.

Hiniling rin ng lokal na pamahalaan sa publiko na i-report ang nasabing post bilang “fake news” at ngayon ay deleted na ito sa Facebook.

Matatandaan na sinabi ni Uson na meron itong mga administrators at bloggers na humahawak sa kaniyang blog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *