Family food packs para sa maaapektuhan ng bagyong Mawar, inihahanda na ng DSWD

Inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development Office o DSWD ang mga family food packs para sa maaapektuhan ng paparating na bagyong Mawar.

Sa pulung balitaan kahapon, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, kabilang ang region 3 sa mga lugar na dinoble ang mga naka pre-positioned na family food packs.

Batay kasi sa pagtaya ng PAGASA, posibleng kabilang ang Region 3 sa maaapektuhan ng bagyo.

Inabisuhan na rin ng DSWD ang kanilang mga regional office sa mga lugar na tutumbukin ng Super typhoon Mawar na magsagawa ng round the clock monitoring dahil inaasahan ang lakas ng ulan at hangin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *