Farm to market road projects sa bayan ng Donsol apektado ng presensiya ng mga rebeldeng grupo ayon sa lokal na pulisya

SORSOGON CITY – Aminado ang pamunuan ng Donsol Municipal Police Station (MPS) na nanatili pa ring problema sa kanilang AOR (area of responsibility) ang presensiya ng mga makakaliwang grupo.

Sa panayam ng Brigada News FM sa hepe na si PMaj Arwin Destacamento, sinabi nito na kumpirmado ang presensiya ng mga NPA sa maraming lugar sa bayan lalo na sa mga remote barangays.

Ayon pa sa opisyal, base sa kanilang monitoring, hindi masimulan ang mga proyektong farm to market road sa limang barangay kung saan nanatiling mga path ways lamang ang mga daan at hindi pa mabuksan ng tuluyan ang mga ito dahil sa pamimirwesyo ng nasabing hukbo.

Aniya, upang maiwasan ang mga nangyayaring sagupaan sa pagitan ng militar, pulis at ng mga rebeldeng grupo, dapat ay palakasin ang kampanya pagdating sa pagpapasuko ng mga rebelde sa ilalim ng End Local Communists Armed Conflict (ELCAC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *