Farm to market road sa Aborlan, winasak ng rumaragasang tubig

Inirereklamo ngayon ng mga residente ng Sitio tagbarasan Brgy. Isaub sa munisipyo ng Aborlan ang kasalukuyang lagay ng kanilang farm to market road matapos itong sirain ng baha nito noong ika-19 ng Sityembre 2022.

Sa post ng isang Jenelyn Gonzales residente sa lugar, kitang kita kung paano sirain ng tubig baha ang kalsada nang biglang umapaw ang tubig.

Hindi na umano kinaya ng maliit na culvert ang volume ng tubig ng ilog bunsod ng palagiang pag-ulan nitong mga nakalipas na linggo.

Panawagan nila sa mga kina uukulan na sana ayusin sa lalong madaling panahon ang daanan upang maayos na mahatid ang mga produkto sa pamilihan at upang maayos na makadaan ang mga estudyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published.