Farmers Associations sa Albay nagpasalamat sa tulong ni DAR Sec. Castriones

LEGAZPI CITY – Nagpapasalamat ang mga Asosasyon ng mga magsasaka sa Bicol Region matapos mabigyan ito ng tulong mula kay Secretary John Castriciones ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa katatapos lang ng Turn-over ceremony ng kanilang Farm Equipment nitong nagdaang araw.

Nabigyan ang samahan ng mga magsasaka sa rehiyon ng equipment ay ang Southern Legazpi Upland Barangays Linksfarm Farmers Association (SLUBFA, Inc), Masarawag Composite Farmers Association (MACFA), Dororian Farmers Producers and Livelihood Association (DOFAPLA) at Sa Agrarian Reform Iriba Gabos sa Kauswagan Multi-Purpose Cooperative (SARIGAN MPC).

Sa pakikipagpanayam ng Brigada News FM Legazpi sa mga Assosasyon ng mga magsasaka, malaking tulong ang ibinigay na equipment sa kanilang pagtatrabaho dahil sa tataas na ang kanilang kita araw araw at hindi na rin gagamit ng kalabaw kung saan ay mapapadali na rin ang kanilang pagsasaka.

Kung dati aniya inaabot ng isang linggo ang pagbubungkal ng lupang sakahan, ngayon ay isa hanggang dalawang oras na lamang gamit ang tractor mula sa Department of Agrarian Reform, kaya naman mas tipid na at mas malawak na ang matataniman ng mga ito.

Ayon naman sa 225 magsasakang miyembro ng Sa Agrarian Reform Iriba Gabos sa Kauswagan Multi-Purpose Cooperative (SARIGAN MPC) ng Daraga Albay isa mga natulungan ng ahensya na madagdagan ang kita sa pagsasaka.

Nasa P500 kada araw ang bayad sa mag-aararo na inaabot ng isang lingo para sa isang ektaryang lupa, samantalang P1,500 ang pagrenta ng tractor.

Sa ngayon ay maaari ng abutin ang kanilang income na P30,000 a year pag madami ang nagpapatractor na farmers. Kung ikukumpara kasi nitong nagdaang taon na wala pang   equipment aabutin umano dalawang taon dahil sa nahihirapan mag engage sa farming sa kadahilanan na rin mahal ang bayad kung magpapaarado.

Sinabi ng Dororian Farmers Producers and Livelihood Association (DOFAPLA) sa lalawigan ng Catanduanes ay tumanggap ng motorsiklo para sa mga magsasakang miyembro nito kung saan ay malaking tulong ito sa asosasyon dahil ang kanilang produckto ay madali nang mailalabas patungong pamilihan o merkado.

Samantala, hinimok ni Sec Castriciones ang mga magsasaka na maging miyembro ng kooperatiba at mga ARBOs upang mapakinabangan ang mga programa at serbisyo ng DAR, kasama na ang mga tulong pinansyal na layuning mapalakas ang agrikultura sa bansa at matulungan ang mga magsasaka na mapalago ang kanilang sakahan at mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *