Farmers’ group, hiniling sa mga senador na huwag madaliin ang ratipikasyon ng RCEP

Hindi umano dapat madaliin ng mga senador ang ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP trade agreement sa kabilang ng oposisyon mula sa fisheries sector at farmers’ organization

Sa isang panayam sinabi ng residente ng Federation of Free Farmers na si Leonardo Montemayor, kinakailangan masuri ng maaayos ang specific provisions ng trade agreement at iginiit na kailangan magkaroon ng malinaw na ideya ang mga mambabatas sa kung anong batas ang dapat i-update para ma-accommodate ang mga pagbabagong idudulot ng RCEP.

Iginiit ni Montemayor, hindi dapat malagay ang Pilipinas sa disadvantageous situation sakaling mabigo ang ratipikasyon. Sinabi niya na ang bansa ay maaaring gumamit ng iba pang trade agreements upang mapanatili ang ugnayan nito sa mga kalapit na bansa.

Matatandaang, una nang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na inaasahang mararatipikahan ng senado ang RCEP sa unang quarter ngayong taon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *