FDA, inaprubahan na ang emergency use authorization para sa mga bivalent vaccines

Kinumpirma ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na inaprubahan na ang paggamit ng mga bivalent vaccines sa bansa.

Sa Media Forum, sinabi ni Vergeire na inisyu na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) sa mga bivalent vaccines mula sa Moderna at Pfizer.

Tina-target naman ng Gobyerno na simulan ang procurement nito sa unang bahagi ng 2023.

Ang mga bivalent vaccines ay nilikha ng mga vaccine manufacturers para malabanan ang iba’t ibang subvariants ng COVID-19 kabilang na ang mga omicron sublineages, maliban pa sa original strain ng virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *