Field offices ng Comelec pinagsumite ng report hinggil sa sitwasyon ng mga voting centers pagkatapos ng pananalasa ng bagyong Paeng

CAMARINES NORTE- Pinagsumite ng report ang field offices ng Commission on Elections hinggil sa sitwasyon ng mga voting center pagkatapos ng pananalasa ng bagyong Paeng.

Sa Memorandum ni Bicol Regional Election Director Maria Juana Valeza hiniling nito sa lahat ng Provincial Election Supervisor na magsumite ng report para malaman ang kondisyon ng mga voting center pagkatapos ng kalamidad.

Alinsunod naman ito sa Memorandum ni Atty. Divina Blas- Perez, Director IV, Election and Barangay Affairs Department na may petsang November 2, 2022.

Ang Provincial Consolidated report gamit ang nakatalagang template ay pinasusumite nang hindi lalagpas ngfayong araw, November 5, 2022.

Isa lamang ang bayan ng Basud sa nakapagsumite na ng report bago ang November 5 deadline.

Ang naturang bayan ay mayroong 29 na barangay at 26 na voting centers.

Isa sa 6 na voting center ay mayroong isang naitalang napinsala na agad namang na- repair at maaaring magamit sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ilang mga classroom ang nabagsakan ng mga sanga ng puno sa pananalasa ng bagyo.

Mababatid na bagamat naisabatas na ang pagpapaliban sa Barangay at SK Elections na naka- schedule sa December 5 nitong taon ay kinikwestiyon pa ito sa Korte Suprema.

Nais kasi ng election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal na ideklara ng Supreme Court na labag sa Saligang Batas at ipawalang-bisa ang batas na nagpapaliban dito o ang Republic Act 11935.

Sa kaniyang petisyon sinabi ni Macalintal na walang kapangyarihan ang Kongreso sa ilalim ng Konstitusyon na mag-postpone ng barangay elections o palawigin ang termino ng panunungkulan ng barangay officials.

Ito raw ay nasa  eksklusibong hurisdiksyon ng Comelec sa ilalim ng Omnibus Election Code.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *