Fil-am athlete Brandon Vera , inanunsyo ang pagreretiro sa MMA

Inanunsyo ni dating ONE Heavyweight Champion at actor na si Brandon “The Truth” Vera na siya ay magre retire na sa professional ring.

Kilala sa kaniyang napiling sports bilang kampeon sa mixed martial arts, inihayag ng Filipino-American athlete ang kanyang pagreretiro noong Sabado matapos ang kanilang laban ng Iranian fighter na si Amir Aliakbari.

Matapos makatanggap ng standing ovation mula sa mga tao kasunod ng kanyang anunsyo, ang 45-anyos na MMA fighter ay tinapos ang kaniyang dalawang dekadang karera na may 16-10 record.

Si Brandon ang kauna-unahang ONE Heavyweight Champion sa ONE: Spirit of Champions event noong 2015.

Matapos manalo ng kaniyang unang major title, lumipat si Brandon sa Pilipinas noong 2016. Pagkatapos ng kanyang pagreretiro, ipinahayag din niya ang kanyang intensyon na tumutok sa pag-arte sa screen.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *