Fil-Am coach na si Erik Spoelstra, minsan nang pinangarap na maglaro sa PBA

Ibinahagi ng Filipino-American NBA coach na si Erik Spoelstra na dati niya na ring pinangarap makapaglaro sa Philippine Basketball Association (PBA).

Kwento ni Spoelstra, sa kanyang paglaki, target niya na talagang makapaglaro sa PBA at palagi itong kasama sa kanyang mga plano.

Nakapaglaro umano siya overseas ng ilang mga taon, at umuuwi rin siya ng bansa para subukang maglaro, ngunit kalaunan ay bumalik din ito sa Miami.

Magsasagawa si Spoelstra ng basketball clinic para sa mga batang manlalaro sa Taguig, kasama ang tatlo pang miyembro ng team USA, at nina NBA coaches Ty Lue at team USA head coach Steve Kerr.

Mababatid na si Spoelstra ay ang tumatayong head coach sa Miami heat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *