Fil-am NBA star Jalen Green dumating sa bansa para sa isang promotional tour

Dumating sa bansa si Houston Rockets star Jalen Green para sa promotion ng isang brand ng sapatos.

Ito ang unang pagkakataon na bumisita ang Filipino-American guard bilang isang NBA player matapos siyang ma-draft 2nd overall ng Rockets sa rookie draft noong nakaraang taon.

Sa isang Instagram story, ibinahagi ni Green ang kanyang tirahan habang nandito siya sa Maynila.

Sinabi ng isang shoe company na ang 20-taong-gulang na global ambassador nito ay makakakuha ng mga bagong karanasan sa kultura, street lifestyle, at grassroots sports.

Ang promotional tour na ito ay nakasentro kay Green para magkaroon ng “experience a different and more authentic side of the Philippines.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.