Isang babaeng Filipino-American ang napaulat na binaril ng kanyang kinakasama sa harap ng kanyang dalawang anak sa California, United States.

Ayon sa ulat ng KTVU, si Frances Kedra Lucero, 27, ay pinatay ng kanyang kinakasama na si Romier Narag, 27, sa harap ng kanilang dalawang anak, edad 3 at 4 noong March 6 sa Daly City, California.
Kinasuhan si Narag ng murder at child endangerment. Siya ay kasalukuyang nakakulong sa San Mateo County Jail.
Ayon sa ulat, sinabi ng mga awtoridad na bumunot ng 9-millimeter handgun si Narag at binaril si Lucero.
Nasa pangangalaga na ng pamilya ni Lucero ang kanyang naulilang mga anak.Lumikha naman ng Go Fund Me page ang mga kaanak at kaibigan ni Lucero para sa pagpapalibing at makalikom din ng pondo para sa mga batang naulila nito.//CA