Filipina na trafficking victim sa Myanmar, nagbayad ng ransom – BI

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nagbayad ng ransom ang isang Pilipina para makalaya mula sa kanyang employer sa Myanmar.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, na ang biktima ay nirecruit sa pamamagitan ng Facebook, at pinangakuan ng buwanang sahod na $1,000 para magtrabaho bilang customer service representative sa Thailand.

Kaugnay nito, pinag-panggap ang biktima bilang turista sa immigration inspections sa NAIA, at sa pagdating nito sa Bangkok dinala siya ng kanyang employer sa kalapit na bansa na Myanmar.

Sinabi naman ng biktima na marketing scammer ang totoong pinapagawa sa kanyang kung saan hinihikayat ang mga Indian nationals na mag-invest sa isang online platform na “Pacific Mall”, at kailangan na magtrabaho ng 16 na oras nang walang day off at sahod.

At para makalaya ang naturang Pinay, pinahanap siya ng tatlong mga Pilipino bilang papalit sa kanya.

Nakontak naman ng biktima ang kanyang kaibigan sa Pilipinas na nagbigay ng pekeng flight itineraries na pinalabas na may apat na tao na pupunta ng Thailand bilang kanyang kapalit, dahilan para samahan siya ng kayang employer pabalik ng Thailand, saka nakahingi ng tulong sa embaha ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *