Filipinas, umakyat sa 46th spot sa FIFA Rankings

Hindi na mapipigilan ang arangkada ng Filipinas Women’s National Football Team matapos umakyat sa 46th spot sa final FIFA Women’s World Rankings bago ang 2023 FIFA Women’s World Cup.

Umakyat ng tatlong puwesto ang mga Pinay mula sa no. 49 spot.

Naungusan na nila ngayon ang Myanmar na no. 50 at ngayo’y fourth-ranked team sa ASEAN region.

Ito na ang all-time-highest ranking ng national team at inaasahang magpapakita ang  mga footballers ng tapang at determinasyon na humarap sa mga mas bigating kalaban na  Australia at New Zealand sa World Cup sa July 20 hanggang August 20 ngayong taon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *