Filipino athletes, nagdatingan na sa Tokyo para paghandaan ang Olympics

Nagsisimula nang magdatingan sa Japan ang mga miyembro ng Philippine delegation na sasabak sa Tokyo Olympics.

Unang dumating sa Japan ang boksingero na si Eumir Marcial at rower na si Cris Nievarez.

Base sa post ng Philippine Olympic Committee nitong Linggo, ay nakarating na rin sa lugar ang weightlifter na si Hidilyn Diaz.

Sumunod naman dumating sa Japan ang isa rin weightlifter na si Elreen Ando, ang shooter na si Jayson Valdez, at gymnast na si Carlos Yulo.

Naibahagi rin ni Taekwondo jin Kurt Barbosa sa social media ang tungkol sa pagdating nito sa Tokyo noong Linggo.

Nag-update rin ang Philippine Rowing Association tungkol sa pagsasanay ni Nievarez sa Tokyo, na nagsimula na kahapon.

Mababatid na aabot sa 19 na atleta ang magtatangka na masungkit ang gintong medalya para sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *