Filipino boxer Astrolabio nakuha ang sixth-round knockout sa Russian fighter

Malapit na sa kanyang world title opportunity ang Filipino boxer na si Vincent Astrolabio ng General Santos City matapos ang impresibong knockout kay Nikolai Potapov ng Russia sa Cosmopolitan sa Las Vegas.

Nakuha ni Astrolabio ang dominanteng sixth-round knockout ng Russian sa isang laban na nagsilbing title eliminator para sa IBF bantamweight championship.

Pumasok si Potapov sa Showtime-televised bout bilang third-ranked contender, ngunit na-out-classed ng Pinoy na nagrehistro ng tatlong knockdown sa laban.

Dahil sa kanyang pagkapanalo, si Astrolabio ang nangungunang contender sa IBF bantamweight title na hawak ng Japanese superstar na si Naoya Inoue.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *