Filipino films, inaasahang mapanonood sa China

Inaasahang aarangkada sa Chinese cinema ang mga Filipino films kasabay ng tinitingnang ‘forging ties’ ng bansa sa mga Asian economic giant’s creative industry.

Ayon kay presidential adviser on creative communications Paul Soriano, nagpahayag na ng interes ang ilang Chinese film industry players sa pag-collaborate sa kanilang mga Philippine counterparts.

Binigyang-diin din ni Soriano na ang naturang collaboration ay makatutulong upang umunlad ang Pilipinas.

Dagdag pa niya, tinitingnan ng pangulo ang pagkakaroon ng town hall meetings kasama ang mga stakeholders mula sa Philippine creative industry upang personal na marinig ang mga karanasan ng mga ito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *