Filipino nurses na umaasang makakuha ng trabaho sa US, pumalo sa 18,617 noong 2022

Papalo sa kabuoang 18,617 na mga nursing graduates mula sa Pilipinas, ang kumuha ng US licensure examination sa unang pagkakataon noong 2022, na pinakamarami sa nakalipas na 14 na taon.

Ito ang ibinahagi ni Quezon City Rep. Marvin Rillo, vice chairperson ng House committee on higher and technical education, sa pag-asang makakupagtrabaho ang mga ito sa US.

Ang US National Council of State Boards of Nursing Inc. (USNCSBN), ang nag-administers sa National Council Licensure Examination o NCLEX para sa mga registered nurses sa Amerika.

Ang 18,617 ay kumakatawan sa 90 percent kumpara sa 9,788 Filipino nursing graduates na kumuha ng NCLEX noong 2021.

Dahil dito, muling nanawagan si Rillo sa Kongreso na mag-invest para sa mas maraming kompensasyon para manatili sa mga pampubliko ospital sa bansa ang mga Filipino nurses.

Mababatid na isinusulong ng naturang mambabatas ang pagpasa sa House Bill No. 5276, na naglalayung palakasin sa 75 percent mula sa P36,619 hanggang sa P63,997 ang lowest base ng mga nurses na nagtatrabaho sa gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *