Filipino travelers, wala raw dapat ipangamba sa pagsuspinde ng implementasyon ng revised travel guidelines – BI

Wala raw kailangan ipangamba ang publiko sa pinaghigpit na “travel guidelines” ng Inter-Agency Council Against Trafficking’s para sa mga Filipino travelers

Ayon kay Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval, bahagi lamang ito ng hakbang ng gobyerno laban sa human trafficking.

Ilan daw kasi sa mga na offload na pasahero ay nakitaan nila ng elemento ng human trafficking.

Sa kanilang records, mula sa mahigit 32 thousand passengers, 400 rito ang ni-refer sa IACAT at POEA para isailalim sa imbestigasyon kaugnay ng human trafficking at illegal recruitment.

Nakasaad na pangunahing layunin ng ‘revised guidelines’ ang maisaayos ang ‘departure procedures’ para mas maging episyente at ligtas ang proseso para sa lahat ng indibidwal na bibiyahe sa abroad.

Hindi umano layon nito na pahirapan ang publiko at sa halip ay mapabuti pa ang “overall experience” ng mga aalis na pasahero.

Nauna nang sinuspinde ni Justice Secretary Crispin Remulla ang pagpapatupad ng bagong guidelines.

Sinabi ng DOJ, kinakailangan pa na linawin sa mga senador at sa publiko ang mga isyu na nakapaloob sa revised guidelines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *