Final decision re: pagsusuot ng faceshield, posibleng ilabas sa Lunes- Nograles

Kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Alexie Nograles na may pinal na desisyon na si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagsusuot ng faceshield sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Nograles posible ilabas ng Inter-agency Task force ang bagong memorandum sa darating na Lunes.

Sinabi na kalihim na nakasaad sa memo kung anong mga lugar ang voluntary at mandatory ang paggamit ng face shield.

Hindi naman idinatelye ng Cabinet Secretary ang nilalaman ng bagong kautusan subalit nagsabi ito na mayroon isinumete na apela ang IATF kaugnay sa pagsusuot ng face shield.

Sa rekumendasyon ng IATF, basta nasa indoor, kailangang magsuot ng face shield.

Samantala sa panig naman ng Philippine National Police sinabi ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na habang hinihinray ang guuidelines mananatili umano ang mga kapulisa sa mga kalsada at magpaalala sa publiko na patuloy pa rin na gumamit ng face shield.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *