Final testing and sealing ng VCMs sa Palawan, matagumpay- COMELEC

Maituturing na matagumpay ng Provincial –Comelec sa Palawan ang isinagawang final testing and sealing sa mga Vote Counting Machines (VCMs) kahapon, May 4, 2022.

Ayon kay spokesperson Jomel Ordas ng Provincial Comelec, ito ay kahit na nagkaroon ng ilang aberya sa ibang VCMs na sinubukang gamitin ng mga bumuto.

Sisikapin ng ahensya na hindi na muli mauulit ang ganitong klaseng problema sa araw ng halalan sa lunes.

May mga nakahandang VCM sa bawat presintong gagamitin bilang bahagi ng contingency plan upang masigurong hindi maantala ang mga bubuto.

Pinaalalahan ang mga botante na magdala ng sariling ballpen at magsuot ng facemask bilang pag-iingat pa rin sa banta ng COVID-19.

Maaaring pumunta ng 6:00 ng umaga para bumuto sa lunes hanggang alas 7:00 ng gabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *