Finance chief, nilinaw na walang kaugnayan sa DBP dividend cut sa Maharlika Investment Fund

Itinanggi ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang mga alegasyon na ang dividend cut sa Development Bank of the Philippines (DBP) ay para sa mapanatili ang capital para sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Paliwanag ni Diokno, ang mga gobyerno ng banko gaya ng DBP at Land Bank of the Philippines (LBP) ay pinapayagan na babaan ang kanilang dividends.

READ MORE:

Ito ang kanyang tugon sa pahayag ni House Deputy Minority Leader France Castro na ang executive order umano para sa dividend reduction ay maaring pabor para sa MIF kaysa sa national budget.

Una nang nagpalabas si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng kautusan na nagsasabing ang percentage ng annual net earnings na idedeklara at ire-remit ng DBP sa national government para sa 2021 ay ia-adjust mula 50% sa 0%.

Nakasaad naman sa proposa ng MIF proposal na ang kanilang initial funding ay magmumula sa DBP, na magbibigay umano ng P25 billion.

Pero paglilinaw ni Diokno, walang ugnayan sa pagitan ng kautusan at sa proposed DBP investment sa MIF.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *