Finance Sec. Diokno – may paalala sa social media postings ng mga gov’t employees

Nagpaalala si Finance Sec. Benjamin Diokno sa mga kawani ng Gobyerno na mag-ingat at maging responsable sa paggamit ng social media.

Ginawa ni Diokno ang pahayag na ito, ilang araw lang ang makalipas matapos ang ‘termination/resignation’ ni Finance Usec. Cielo Magno nang mag-post ito laban sa price cap sa bigas.

Ayon sa Finance chief – tila ‘trend’ na raw ngayon sa mga kawani ng Gobyerno na nauuwi sa social media para ilabas ang kanilang mga frustrations.

Aniya, bagamat naiintindihan naman daw nila ang pangangailangan ng isang tao, lalo na ang mga kabataan, para ilabas ang kanilang saloobin – dapat daw ay alalahanin ng mga ito na mayroon pa ring permanenteng ‘digital footprints’ na hindi na mabubura pa kahit na i-delete ang mismong social media post.

Ang payo ngayong ni Diokno sa mga kawani ng Gobyerno, imbis na mag-post sa social media – pasensya, at umpisahan ang ‘positive change’ sa kani-kanilang mga sarili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *