Fireworks-related injuries sa bansa, nadagdagan pa ng 5

Umakyat na sa 25 ang kabuoang bilang ng mga fireworks-related injuries sa bansa.

Ito ay makaraang madagdagan ng limang mga bagong kaso ang naitala ng Department of Health (DOH) sa iba’t ibang mga hospital sa bansa – ilang araw bago ang pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa sentinel report number 6 ng DOH, lumabas na ang 25 na kaso ng mga nasugatan sa paputok mula December 21 hanggang 27 ay 14% na mas mataas kung ikukumpara sa datos noong nakaraaang taon.

Boga pa rin ang may pinakamaraming injuries na mayroong walong kaso; apat sa whistle bomb; tatlo sa kuwitis; at dalawang nasugatan dahil sa five star.

Sa kabila ng pagtaas ng mga fireworks-related injuries – mas maababa pa rin ito ng 24% kung ikukumpara sa five-year average na 33 cases sa kaparehong period.

Sa Media Forum, muling tiniyak ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na 100% na handa ang mga pampublikong ospital para i-acommodate at magbigay ng medical assistance sa mga masusugatan dahil sa paputok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *