First 100 days accomplishments ng alkalde ng Daraga, inilahad

LEGAZPI CITY – Inilatag na ng alkalde ng Daraga, Albay ang naging accomplishments nito simula nang umupo at magtrabaho bilang opisyal ng gobyerno.

Sa naging talumpati ni Mayor Awin Baldo ng nasabing bayan, inilahad nito sa publiko ang kanyang mga nagawa bilang alkalde simula noong Hulyo 1, 2022.

Sa unang linggo pa lamang ng kanyang pag-upo, inilunsad nito ang Arangkada Banwa Mobile Laboratory and Clinic (ABMLC) kung saan libu-libong Daragueños ang nakikinabang nito.

Binaba rin nito ang rental fees sa market kung saan matagal nang hinaing ng mga maliliit na vendors sa bayan habang inorganisa na rin ang wet market at night market sa merkado publiko.

Inalis na rin ang parking fees na dagdag pahirap sa mga motorista at karagdagang public safety officers habang mahigpit naman ang pagpatupad ng mga ordinansa sa nabanggit na bayan.

Patuloy na pinag-aaralan ng lokal na gobyerno ang pagpapaluwag ng trapiko upang hindi na magkaroon ng traffic sa kalsada.

Maliban pa rito, nagbigay ng pondo para sa laptops at printers para sa elementarya at highschool sa buong bayan.

Dagdag pa nito, wala na ring babayaran ang mga magulang sa mga day care centers at marami pang iba.

Sinabi rin nito na kailangang gawin ang 6-point development agenda tulad ng orange cards, pagpapatayo ng ospital at pagsasaayos ng transport at water system.

Hangad ng opisyal na magkaisa at magtulungan sa kanyang pamamalakad upang marami pang matulungan na mga Daragueño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *