Fish vendor na nakulong dati dahil sa droga, nahuli ulit sa buybust

Arestado ng pulisya ang isang fish vendor na si Ona Edjing Maddian, 41 anyos ng Purok dos sa Barangay Calasaguen Brooke’s Point Palawan kaninang umaga.

Si Ona ay nakumpiskahan ng tatlong sachet ng suspected shabu na nakalagay umano sa plastic bag na may bigas at pera maliban pa sa isang plastic sachet na nabili ng poseur buyer sa kanya.

Nahuli ang suspek sa drug buy bust na ginawa ng Provincial Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PMAJ. Romerico Remo kasama ang mga tauhan ng Brookes Point Police Station.

Inamin sa Brigada ng suspek na dati siyang nakulong dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 pero tumigil na raw siya mula nang siya’y makalaya.

Samantala, tinangka pa nitong tumakas nang malaman na operatiba ang ka-transaksyon kaya napunit ang kanyang damit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *