CAMARINES NORTE – Isasagawa na sa Lunes, September 18 ang kick off ceremony ng annual Fish Conservation Week o Fishcon sa Regional Office ng Bureau Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bula Camarines Sur.
Sa impormasyon mula sa BFAR Provincial Office ng Camarines Norte pangungunahan ni Regional Director Ariel Pioquinto ang selebrasyon kung saan ito magbibigay ng mensahe.
Gagawin din ang launching of the advocacy to save and protect the Irrawaddy dolphin at awarding of partners.
Ang programa ay magsisimula alas 8 ng umaga sa flag raising ceremony.
Sa hapon naman ay gagawin ang launching ng fish- eat- arian recipe.
Ito na ang ikalawang taon na gagawing face- to face ang aktibidad pagkatapos ng COVID- 19 pandemic.
May hiwalay na aktibidad namang nakahanda ang Provincial Government kaugnay sa Fishcon week celebration.
