Fisherfolk leader mula sa Vinzons, Camarines Norte hinirang na ika- 18 Mangingisdang Director ng BFAR Bicol

CAMARINES NORTE- Hinirang na Mangingisdang Direktor ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol ang Municipal FARMC Chairperson ng Vinzons na si Pedro P. Creo.

Sa bisa ito ng DA Special Order No. 88 and BFAR Fisheries Office Order No. 080 series of 2005, o ang Mangingisdang Direktor Program na ginagawa taon- taon sa buong bansa.

Ginawa ang panunumpa at installation sa ika- 18 Mangingisdang Director kamakalawa, May 3, sa BFAR Regional Office, Bula, Camarines Sur bilang bahagi ng pagdiriwang ng Farmers and Fisherfolk Month.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Camarines Norte Provincial Fishery Officer Rolando Tiam sinabi nito na bilang Mangingisdang Director, manggagaling kay Creo ang mga order na kanilang susundin mula sa Regional Office hanggang sa mga Provincial Offices ng BFAR sa loob ng isang buwan.

Sa loob ng panahong ito aniya ay literal na uupo sa pwesto si Creo habang si Regional Director Ariel Pioquinto naman ay bababa at magkakaroon ng immersion sa fishing community.

“Lahat po ng function na ginagawa ng aming regular na Director, yun po ang gagawin niya kaya lang nga po may mga limitasyon lang,” ani Tiam.

Halimbawa ng mga regular function na gagawin ni Creo bilang Mangingisdang Director ay ang pag- uutos na magsagawa ng mobile at border checkpoint sa mga BFAR employee partikular sa law enforcement at iba pang regular services ng opisina.

Gayunman hindi ito pwedeng mag isyu ng memorandum sa mga policy determining matters tulad ng pag transfer ng empleyado.

Bilang Mangingisdang Direktor naman ay entitled ito sa travel allowance at paggamit ng sasakyan ng opisina.

Si Creo ay ikatlong Cam Norteño na nahirang na Mangingisdang Director.

Ang mga FARMC Chairperson mula sa iba’t- iang probinsiya ang naghahalal ng Mangingisdang Direktor mula sa kanilang hanay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *