Fishing ban, tinanggal na sa ilang oil-spill affected areas sa Mindoro

Inanunsyo ni Oriental Mindoro Gov. Humerlito Dolor ang pagtanggal na ng fishing bansa sa ilang bahan sa oil spill-affected province.

Ang mga lugar na ito ay kinabibilangan ng Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao.

Nilinaw naman ni Dolor, na pinagbabawalan parin ang mga lokal na mangingisda na manghuli ng shellfish at crustaceans.

Samantala, inihayag nito na ang mga bayan ng Bansud, Gloria, Pinamalayan at Pola, na epektibo parin ang fishing bans at malayang makakapangisda sa ngayon sa karagatan ng Roxas, Bongabong, Mansalay at Bulalacao. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *