Folayang, dismayado sa umano’y premature stoppage ng referee sa laban kay Marques

Inamin ni dating ONE champion Eduard Folayang na siya ay nadismaya sa pagtatapos ng kaniyang lightweight bout kay Edson Marques ng Brazil.

Hininto ng referee ang laban sa huling yugto ng second round matapos sumubsob sa lona si Folayang dahil sa mga pinakawalang kombinasyon ng Brazilian fighter.

Nagulat si Foloyang nang magdesisyon ang referee na itigil ang laban at ibigay ang technical knockout victory kay Marques.

Dahil sa muling pagkabigo ni Folayang, maraming analyst ang nagsasabing mahihirapan na itong makabalik sa limelight o tugatog ng kampeonato.

Ang pagkatalo ni Folayang kay Marques ay ika-limang sunod na talo nito sa MMA.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *