Food and Non- alcoholic beverages at iba pang commodities dahilan ng pagsipa ng inflation noong Agosto

CAMARINES NORTE- Naitala ang significant increase sa presyo ng ilang commodities na naging dahilan ng pagsipa ng headline inflationĀ  sa lalawigan ng Camarines Norte noong Agosto sa 8.0 % kumpara sa 6.9 % noong Hulyo.

Batay ito sa Special Release report ng Philippine Statistics Authority (PSA) patungkol sa  Consumer Price Index for all income household sa Camarines Norte na inilabas nitong September 14.

Sa month-on-month comparison naitala ang pagtaas ilang commodity groups lalo na sa tinatawag na volatile food items.

Kumpara noong Hulyo, nagkaroon umano ng pagtaas ng presyo noong Agosto sa Food and Non- Alcoholic Beverages group na may 1. 16  percent (138.1 to 139.7).

Gayundin sa pabahay, tubig, kuryente, Gas and other fuels na may 0.90 percent change.

Nagkaroon din ng pagtaas ng presyo sa recreation and culture, transport, clothing and footwear, restaurant and miscellaneous goods and services.

Naitala naman ang steady prices sa Alcoholic beverages and tobacco, furnishings household equipment and routine maintenance of the house, health, communication and education.

Nananatili naman sa 0.72 ang purchasing power of the peso.

Nangangahulugan ito na ang piso noong 2012 ay nagkakahalaga na lang ng 72 centavos noong August 2021.

Kaya naman ang isang konsyumer ay mangangailangan ng P139. 6 para bilhin ang parehong dami ng produkto noong 2012 na nagkakahalaga ng P100.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *