‘Food assistance’ ipinamamahagi ng LGU-Camalig, Albay sa mga pamilyang naka isolate matapos na maging close contact ng mga COVID-19 patients sakanilang bayan

BNFM BICOL— Bukod sa lalawigan ng Camarines Sur, isa rin ang lalawigan ng Albay sa mga isasailalim sa Alert Level 3 quarantine classification ng National IATF bunsod ng mataas na kaso ng COVID-19.

Dahil dito kaliwa’t-kanan ang mga ipinatutupad na contact tracing, isolation at localized lockdown ng bawat LGU sa mga indibidwal at pamilya na nagkaroon ng exposure o nakasalamuha ng mga pasyenteng nag positibo sa COVID-19 sa naturang lalawigan.

Sa bayan ng Camalig, tinutugunan ng lokal na pamahalaan ang pangangailangan ng mga apektadong residente sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng food assistance katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) at ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Inabisuhan kase ang mga itong mag isolate o huwag lumabas ng kanilang mga bahay sa loob ng 14 na araw o dalawang linggo upang obserbahan ang kanilang kalusugan matapos na ma expose at maging close contact ng COVID positive individual.

Regular naman ang mga itong mino-monitor ng mga personahe ng  BHERTs upang masigurong nasusunod nang tama ang mga prevention and control protocols sa layuning maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *