Football fan sa Argentina, nang hijack ng bus sa kagustuhang makauwi agad para sa live broadcast ng Football match

NANG-HIJACK ng isang pampublikong bus na lulan ng mga pasahero ang isang football fan sa Ciudad Santa Maria Buenos Aires, Argentina si Sarion, 53 yrs old, nito lamang nakaraang Martes December 13, 2022 sa pag-nanais na maabutan ang Football match.

Sa matinding kagustuhan nitong makauwi agad at masimulan ang live broadcast ng World Cup semifinals match ng Argentina vs. Croatia inagaw nito ang manibela habang panandaliang bumaba ang bus driver at agad nitong pinatakbo patungo sa kanyang bahay.

Matapos ang dalawang kilometro na pag mamaneho ni Sarion saka nito iniwan ang nasabing bus upang takbuhin na lamang ang nalalabing distansya mula sa kanyang bahay.

Sa kasamaang palad ,nahuli si Sarion ng mga awtoridad at dinala sa police station upang doon kuwestyunin at ikulong.

Nagresulta ito para tuluyan nang hindi mapanood ni Sarion ang football match kung saan hinirang na panalo ang Argentina sa score na 3-0.### CZARINA DORONELA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *