Force Evacuation, isinagawa sa Calalanay island sa bayan ng Jose Panganiban dahil sa bagyong amang

CAMARINES NORTE- Nagpapatupad na ngayon ng Force evacuation sa mga turista na nasa

Calalanay island sa bayan ng Jose Panganiban dahil sa paparating na bagyong “Amang”

Ang force evacuation ay sinimulan noong ika-10 ng Abril sa pamumuno ng Jose Panganibang PNP kasama ang ibang kawani ng Gobyerno mula sa Philippine Coastguard at MDRRMO Jose Panganiban

Ayon sa ulat, ito ay alinsunod sa safety measures ng Lokal na Pamahalaan ng Jose Panganiban kung saan ay na monitor ang balitang papalapit na sa Philippine Area of Responsibility and binabantayang low pressure area ayon sa PAG-ASA.

Bilang, bahagi ng Oplan Ligtas-SUMVAC 2023 ay agaran na pinalikas ang mga turista na nanatili sa nasabing isla at sila ay inalalayan na makabalik sa daungan ng Jose Panganiban, Camarines Norte upang siguruhin ang kanilang kaligtasan at maiwasan ang anumang sakuna na dulot ng masamang panahon.

Tinatayang humigit kumulang nasa walumpong katao ang nailikas base sa datus na ibinigay ng MDRRMO-Jose Panganiban, Camarines Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *