Foreign nationals, umaalma sa bagong COVID-19 restrictions ng South Korea

Nagpatupad ang South Korea ng mas mahigpit na mga panuntunan upang ma-contain ang COVID-19 infections partikular na ang Omicron variant.

Dahil diyan ay marami sa mga foreign residents na nagpabakuna sa ibang bansa ang pinagbabawalan nang makapasok sa iba’t-ibang pampublikong lugar gaya ng restaurants, cafes at cinemas.

Kinikilala lamang ng South Korea ang vaccination status ng Korean citizens na nabakunahan sa abroad, ngunit hindi ang mga dayuhan, maliban na lang kung papasok sila sa naturang bansa na may quarantine exemption.

Mababatid na meron ilang foreign residents, kabilang na ang mga galing Europa at Estados Unidos, ang nabakunahan sa maagang bahagi ng taon o sa panahon na wala pang available na mga bakuna sa South Korea.

Hindi pa malinaw kung gaano karami ang apektado ng problema, ngunit maraming foreign embassies na ang umaalma sa polisiya ng South Korea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *