Former City Councilor Jonjie Rodriguez “pinagpraktisan” sa Ospital ng Palawan?

Nagpahayag ng pagkadismaya sa kanyang social media post si Former City Councilor Modesto “Jonjie” Rodriguez II sa Ospital ng Palawan, dahil sa “pinagpraktisan” umano siya sa paglagay ng dextrose na kung saan makikita rin sa ibinahagi niyang larawan ang mga pasa at pamamaga ng kanyang kamay.

“After pag practisan tusok tusokin yung kamay ko, maghanap na lang daw uli ng ibang marunong mag lagay ng dextrose… maga kamay ko eh    pano kung sa bata mangyari to,”

Si Rodriguez ay nagpositibo sa COVID-19 at unang dinala noong nakaraang Miyekules, May 5, 2021 sa Ospital ng Palawan dahil sa nahihirapan itong huminga bago siya inilipat sa isang pribadong ospital upang doon ipagpatuloy ang kanyang medikasyon.

Samantala, agad na kinontra ng Ospital ng Palawan ang pahayag ng dating lokal na mambabatas ng syudad.

Ayon kay Dra. Liccy Castro head ng Isolation unit sa Ospital ng Palawan, hindi masasabing pinagpraktisan ang ginawang pagtuturok sa kamay ng dating konsehal.

Matagal na rin daw sa serbisyo ang mga nurse na nakatalaga sa ONP kaya makakatiyak na bihasa ang mga medical frontliners ng hospital.

Giit nito maingat din ang kanilang mga nurse sa pag-iinject sa pasyente lalo na kung nakabaon at manipis ang ugat na dapat tamaan ng karayom.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *