Former heavyweight champ Wilder nagtala ng 2nd round KO vs Helenius

Nagpamalas ng katangi-tanging performance si dating world heavyweight champion Deontay Wilder sa kanyang pagbabalik sa ring matapos ang isang taong lay-off.

Pinabagsak ni Wilder ang pambanto ng Finland na si Robert Helenius sa kanilang heavyweight bout.

Umabot lamang ng dalawang minuto at 57 segundo ang laban matapos magpakawala ng isang malakas na kanan si Wilder na tumama sa mukha ni Helenius.

Dahil dito umakyat ang rekord ng American fighter sa 43 wins-2 losses kabilang ang 42 KOs.

Ito ang unang sabak ni Wilder matapos matalo via 11th-round knockout kay Tyson Fury ng Britain noong Oktubre.

Ang tagumpay ni Wilder ay posibleng magtatakda ng isang laban sa 2023 laban sa kababayan na si Andy Ruiz o di kaya ay kay Oleksandr Usyk ng Ukraine, na kasalukuyang may hawak ng lahat titulo sa heavyweight division.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *