Fossil ng marine creature, natagpuan sa Masungi

Patuloy na pinag-aaralan ngayon ng mga eksperto ang nadiskubreng fossil o labing-bakas ng isang sinaunang uri ng marine creatures na nakuha mula sa mga bato sa Masungi Georeserve sa Baras, Rizal.

Ang naturang fossil ng ancient marine life ay natagpuan sa limestone matapos ang isinagawang expedition ng Masungi defenders at mga researchers mula sa UP National Institute of Geological Sciences (UP-NIGS).

Sa inilabas na pahayag ng Masungi, batay sa kanilang masusing pagsasaliksik, ang natagpuang fossil ay isang marine protists o kilala sa tawag na forams.

Patunay lamang na ang landscape ngayon ng Masungi ay dating nakalubog sa ilalim ng dagat milyong taon na ang nakalilipas.

Ang patuloy sa pagsasaliksik sa natagpuang fossil ang makakatulong sa mga eksperto na malaman ang edad ng mga rock formation sa georeserve at ang ancient ng Masungi limestone.

Patunay lamang ito na ang Masungi ay hindi lamang mayaman sa biodiverse sanctuary kundi tahanan din ito ng mga sinaunang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *