France bubuksan na ang border sa Hunyo matapos i-lockdown dahil sa pandemic

Kinumpirma ng France na sa June 9 pa bubuksan ang kanilang mga border kasunod ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni President Emmanuel Macron na simula sa June 8 ay tatanggap na sila ng mga biyahero mula sa America at iba pang bansa.

Ginawa namang “by stage” ang pagluluwag ng restrictions sa France kung saan bago ang pagbubukas sa international travellers, bubuksan na ang mga eskuwelahan sa May 3 pero ito ay part-time basis.

Mananatili namang sarado ang mga shops at eateries ay mananatiling sarado.

Samantala, maaaring magbukas ang mga bars at restaurants sa May 19 pero outside serving lang samantalang mananatili ang curfew hanggang alas-9 ng gabi.

Sa June 30 naman ay matitigil na ang curfew habang mas marami nang tao ang papayagan sa mga cultural at sporting events. (LEO NAVARRO MALICDEM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *