France ni-recall ang ambassador sa Amerika

Ni-recall ng French government ang ambassador nito sa America sa gitna ng bagong national security partnership sa United Kingdom at Australia.

Kinumpirma naman ni French Ambasador to the US Philippe Etienne ang report nang matanong ng media.

Sinabi ni French Minister for Europe and Foreign Affairs Jean-Yves Le Drian na ang nasabing hakbang ay hiling ni President Emmanuel Macron.

Ayon kay Le Drian, hindi katanggap-tanggap ang asal ng mga kaalyado at partner na pag-abandona sa ocean-class submarine project na tinatrabaho ng Australia at France simula pa noong 2016 at ang announcement ng bagong partnership sa America na naglalayong tignan ang posibilidad ng future cooperation sa nuclear-powered submarines.

Una nang inihayag ng French government na natraydor ang pakiramdam nito sa pag-pull out ng Australia sa kanilang multi-billion dollar defense deal.

Nanindigan ang France na nawalan ito ng $65 billion mula sa existing deal na magbibigay sa Australia ng conventional, diesel-powered submarines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *