Free review na inilatag ng PGI para sa Civil Service Examinees, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang civil service free review ng Provincial Government ng Isabela bilang paghahanda sa March 2023 CS examination.

Layunin ng naturang aktibidad na matulungan ang mga empleyado at contractual personnel ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na magkaroon ng eligibility.

Malaking tulong ang pagkapasa ng sa CS na may pagkakataon para sa permanenteng posisyon o promosyon at magkaroon ng mas maganda pang oppurtunidad para sa sarili at mas magandang buhay na maibibigay para sa pamilya.

Sa unang session ng free review noong February 10, 2023, mayroong 121 na dumalo kung saan unang tinalakay ang saligang batas na pinangunahan ni Provincial Administrator Atty. Noel Lopez.

Ang nasabing review ay gaganapin sa anim na araw tuwing biyernes at isang sabado sa Amphitheatre, Provincial Capital, City of Ilagan, Isabela at matatapos sa March 17, 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *