Naglabas ng freeze order ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa mga ari-arian ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. at iba pa matapos ideklara bilang mga terorista.
Ayon kay Atty. Luis Anthony Warren, nagpadala na sila ng abiso sa mga bangko para sa account ni Teves.
Bukod kay Teves, kasama rin sa freeze order ang 12 pang indibidwal sa resolusyon ng Anti-Terrorism Council kabilang dito ang kanyang kapatid na si dating Negros Occidental Gov. Pryde Henry Teves.
Samantala, sinabi ni DOJ Asec. Atty. Mico Clavano na hindi pa rin maituturing na fugitive si Teves sa kabila ng naturang designation.