French air traffic controllers nag-welga, daan-daang flights kanselado

Daan-daang flights ang ang nakansela matapos mag-strike ang French air traffic controllers dahil sa isyu ng kanilang suweldo.

Ayon sa report, itinigil ng pinakamalaking airlines ng Europe na Ryanair ang 420 sa kanilang mga flights sa iba’t ibang bahagi ng Europa dahil sa epekto ng 24-hour strike sa kanilang mga connection sa mga airport.

Napag-alaman na nagsimula ang strike ng mga miyembro ng France’s Syndicate National des Controleurs du Traffic Aerien kahapon at inaasahang mararamdaman ang mga disruptions hanggang sa Lunes.

Ipinaliwanag ng grupo na ang kanilang pagkilos ay matapos na mabigo ang negosasyon sa gobyerno hinggil sa dagdag sahod para makaagapay sa mataas na inflation.

Binigyang diin ng grupo na matapos ang ilang buwang negosasyon ay bigo pa rin ang mga otoridad na makabuo ng kongkretong hakbang.

Kaugnay ng isyu ay nagbabala na din ang Paris Aeroport na asahan na ang mga delay at kanselasyon sa maraming arrival at departure sa kanilang mga airlines na bumibiyahe sa 14 na civil airports sa Europa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.