NAGA CITY –– Timbog sa isinagawang Entrapment Operation ang French National, matapos ang pagbebenta nito ng pekeng gold bar sa Naga City.
Sa pangunguna ng Regional Special Operations Unit kasama ang confidential informant at iba pang personahe, matapos ang pagmamanman at pakikipagtransaksyon, matagumpay na nahuli sa isang Hotel, sa Matiway St. Brgy., San Felipe ang arestado na si James Rodriguez, 36 taong gulang, binata, mula sa C5 Taguig, Metro Manila.
Kung saan nakumpiska ang cash at ang gold bar na nagkakahalaga ng P100, 000.00.
Napag-alaman pa kay PSMS Toby Bongon, Information Officer ng NCPO, na maliban na peke, wala pang mga dokumento, pinaniniwalaang may mga kasama pa ito na patuloy din nilang inaalam ngayon.
Kasong ESTAFA ang ipapataw sa arestado at kasalukuyang nasa kustodiya ng mga otoridad.
Ipapadala ang mga gold bar sa Bangko Central ng Pilipinas para sa masusing pagsusuri.
Nagpa-alala naman ang PNP na huwag basta madadala sa mga inaalok o magpapaloko lalo na kung kaduda-duda ang halaga ng mga ito.