NAGA CITY- Hindi pa man halos nag-iinit ang upuan ng mga employers mayroon nang hired on the spot (HOTS) sa naging matagumpay na local job fair sa Naga City kaugnay ng ika- pitong taong anibersaryo ng Brigada News FM Naga.
Si Alyssa Samudio ng Binagasbasan , Garchitorena fresh graduate mula sa Partido State University nag apply sa isang kilalang restaurant sa Bicol. Aniya hindi niya inaasahan na papalarin kaagad lalo na marami silang mga aplikante. Mensahe nito sa mga naghahanap ng trabaho, huwag susuko dahil may nakatakda para sa kanila.
Barangay official ang ina ni Samudio habang kumikita naman sa isda ang kaniyang ama sa coastal ng nasabing bayan. Malaking bagay aniya para sa kanila ang mga natutuhan sa isang pampublikong paaralan na madadala nila tulad sa pag-apply ng trabaho.
Pasalamat din sa naging programa ng BNFM.
Ayon kay Metro Naga Public Employment Service Office (PESO) Acting Head Nonoy Reforsado 261 ang inisyal na nagparehistro, walo ang HOTS.