CAMARINES NORTE – Aabot sa 60 mga kabataan sa bayan ng Mercedes na pawang fresh graduates ang nabigyan ng tabaho sa ilalim ng Government Internship program (GIP) ng Department of Labor & Employment (DOLE).
Kahapon ay pormal nang nagsimula ang trabaho ng mga ito makaraang mabigyan ng pagkakataong makapag avail ng programa.
Itinalaga ang bawat isa sa kanila na magtrabaho sa ibat ibang opisina sa loob ng tatlong buwan na papasok gaya ng karaniwang empleyado at tatanggap ng Php 365 na arawang sahod.
Malaking tulong ang programa upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang na makatulong sa kanilang pamilya sa gitna ng nararanasang kahirapan.
Mismong si Mayor Alexander Pajarillo ang nag- welcome sa kanila sa kaniyang tanggapan.
