Wala nang aasahang kasunod na fuel subsidy para sa transport sector hanggang sa matapos ang taon.
Ayon kay LTFRB Techinal Division Chief Joel Bolano, tatlong bilyong piso lamang ang inilaan ng gobyerno ngayong taon para sa fuel subsidy at wala nang idinagdag na pondo para dito.

Kung maalala, naantala ang pamimigay ng fuel subsidy na dapat ay noong Agosto pa dahil hindi agad nakumpleto ang mga dokumento para mailabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo.
Ang fuel subsidy ay ibibigay ng ahensya sa mga operator at driver upang makatulong bunsod ng pagtaas sa presyo ng mga produkyo petrolyo.