KORONADAL CITY- INILUNSAD ng Department of Agriculture o DA Region 12 ang Fuel Subsidy for Farmers and Fisherfolks o FDFF program sa Kidapawan City kamakailan lamang.
Kabilang sa first batch ng mga benepisyaryo ang 71 mga corn farmers sa North Cotabato at 13 ka mga mangingisda sa General Santos City.
Sa naturang aktibidad, namahagi ang DA 12 ng fuel discount cards na nagkakahalaga ng tig P 3, 000 sa bawat RSBSA-registered farmers at fisherfolk.
Ito ay magagamit sa mga designated Fuel Station Merchant sa pagbili ng mga produktong petrolyo.
Sa Soccsksargen region, mahigit sa P 49-million ang inilaang pondo para sa mga corn farmers at mangingisda na nagmamay-ari at nag-ooperate ng agricultural and fishery machinery.
Ang mga recipient ay mga indibidwal o miyembro ng farmer cooperative o asosasyon.
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…