Fugitive Top 1 Most wanted sa Korea at isa pang nag o-oover stay sa Pilipinas arestado sa Naga City

NAGA CITY- Nahuli ng PNP Naga at mga katuwang na unit ang Foreign National na Fugitive Top 1 Most wanted sa Korea at isa pang nag o-ooverstay sa Pilipinas.

Sa pangunguna ng Bureau of Immigration at Rendel Ryan Sy, Chief Fugitive Search Unit kasama ang Police Station 6 sa pamumuno ni PMaj. Alex Sumayao, Station Commander katuwang ang City Intelligence Unit, City Mobile Force Company, 501st RMFB, mga unit ng Phil.Army at 2nd Provincial Mobile Force Company, sa pangkalahatang pangangasiwa ni City Director PCol. Marlon Catan naaresto sa Magsaysay Road ang akusadong sina Junhoong Park, 49-anyos may asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. Dayangdang parehong lungsod. Gayundin si Kil Jae Beak, 51-anyos may asawa, walang trabaho at residente ng Las Piñas City.

Inaresto si Park sa bisa ng warrant of Deportation sa dalawang standing Arrest Warrant for Fraud na inisyu ni Senior Consul Lee Jinsoo ng Embassy ng Republic of Korea sa Maynila na may petsa na July 1, 2019;  Korean Fugitive Top 1 Most Wanted sa Korea dahil sa paglabag sa Article 347 ng Criminal Act at paglabag sa Article 3 ng Act of Aggravated Punishment at iba pa.

Siya ang itinuturong nasa likod ng call centers telecom fraud sa mga bansang China, Vietnam at Pilipinas. Subalit hindi pa ito nakukumpirma sa ngayon ayon kay PSMS Toby Bongon ang tagapagsalita ng PNP Naga.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Director PCol. Catan, sinabi nitong nakita sa record na 2013 pa sa Pilipinas ang si Park.

Samantala si Beak ay na hinuli dahil sa overstaying dito sa Pilipinas at pagtatrabaho ng walang kaukulang permit.

Hindi pa mabatid kung kailan sila pumunta sa Naga City ngunit ang tiyak ngayon sila ay ma-dedeport na sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *