Full Approval at Authorization sa mga bakuna, ipinanawagan

Nanawagan si NTF vs. Covid-19 former adviser Dr. Tony Leachon sa gobyerno na pagkalooban nang full authorization ang mga bakuna.

Sa ngayon kasi, tanging ’emergency use authorization’ pa lamang ang binibigay ng Food and Drug Adminstration sa mga ito.

Sa isang panayam, sinabi ni Leachon na dapat nang mabigyan ng full approval ang mga anti-covid 19 vaccines nang sa gayon ay mas maparami pa ang mga magpapa-booster shot.

Paliwanag niya, sa Amerika ay magkakaroon na ng full regulatory approval ang Pfizer at Moderna sa Agosto.

Naniniwala si Leachon na sa ganitong paraan ay madaragdagan ang kredibilidad ng mga bakuna at tiwala ng publiko bago sila magpa-inoculate.

Sa ngayon, marami pa rin umanong hindi nagpapabakuna dahil EUA pa lamang ang ibinigay dito at nagdududa ang publiko sa safety nito.

Dagdag pa ni Leachon, posible na ring ma-distribute sa mga drug chains ang bakuna nang wala nang pangangailangan ng medical prescription.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *